CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

COOPERATIVE HALL OF FAME AWARD, TINANGGAP NG CALAMBA

coopCOOPERATIVE HALL OF FAME AWARD, Tinanggap ng Calamba

Tinanggap ng Calamba City Cooperatives and Livelihood Department (CLD) sa pangunguna ni G. Leonardo Opulencia ang Hall of Fame Award bilang Best Performing Local Government Cooperative Development Office (Municipality and Component City Category) buhat sa Cooperative Development Authority (CDA) noong 27 Oktubre sa EDSA Shangrila Hotel.  Iginawad ang nasabing parangal bilang pagkilala sa pagiging Top Performing Cooperative Development Office sa buong Pilipinas sa loob ng nakaraang tatlong (3) sunod-sunod na taon.

Nakamit naman ng Calamba City Cooperative Development Council (CCDC) ang Gawad Parangal Special Citation bilang pagkilala sa nagkakaisa nitong pagsulong sa kaunlaran ng mga kooperatiba sa lungsod at sa pagpapakilala sa mga ito bilang economic enterprises na makakatulong sa pangkalahatang layunin ng sustainable development.

Lubos ang kaligayahan at pagmamalaki ni Mayor Justin Marc "Timmy" Chipeco sa mga karangalang nakamit.  Aniya, patunay lamang ang mga ito sa mga magagandang naibubunga ng mga proyektong pangkabuhayan at pangkaunlaran ng mga kooperatiba na inihahandog ng lungsod sa bawat CalambeƱo.  "Nawa'y magsilbing hamon at inspirasyon ang mga karangalang ito upang mas lalo pa nating paigtingin at pagsumikapan na maihatid ang mas magagandang proyekto at serbisyong pangkabuhayan at pangkooperatiba para sa ating mga kababayan," dagdag pa ng butihing mayor. (Noemi Talatala)

undo