CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

Orientation on Community-Based Rehabilitation Program, isinagawa ng DILG

dilg

Orientation on Community-Based Rehabilitation Program, isinagawa ng DILG

 

Nagsagawa ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng Orientation on Community-Based Rehabilitation Program noong nakaraang tatlong araw, Oktubre 23, 24 at 25, 2017 sa 3rd floor lobby ng Gusali ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba. Ang nasabing programa ay nilahukan ng tig-sampung (10) barangay bawat araw (in clustering). 

   Ayon kay Ms. Lenie Bautista, DILG City Director, ang programa ay sinimulan sa pag-uulat ng kasalukuyang katatayuan ng ating mga barangay kaugnay sa iligal na droga na ginampanan ni PO1 Niño Christopher P. Soriano ng Calamba-PNP. Sa kanyang pag-uulat, mayroong nang dalawang (2) drug-cleared barangay, ang Barangay Puting-Lupa at Barangay Camaligan samantalang siyam (9) naman ang slightly affected barangays.  Tinalakay naman ni Ms. Bautista ang muling pagbubuo o pagrerevitalize ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at ang “function and composition” ng dalawang (2) komite, ang Operations at Advocacy . Naging Panauhing Tagapagsalita si  Sir Diosdado “Dadel” Baquiran, Municipal Anti-Drug Professor ng Tanay, Rizal na siyang nagtalakay ng ukol sa Orientation on Dangerous Drug Board (DDB) Regulation #4 – “One Stop Shop Facilities” for Drug Users Dependent Surrenderees (DUDS). Dito ay kanyang ipinaliwanag ang mga alituntunin at paraan upang masagip ang isang drug dependent sa ilalim ng DDB Board regulation #4 series of 2016 o ang Oplan-Sagip. Tinapos ang palatuntunan sa  pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko sa lahat ng mga dumalo.

   Ang programang ito ay isinasagawa ng DILG at PNP Calamba ng may buong pagsuporta ng ating Punong Lungsod Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco bilang pagtalima na rin sa priority program ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (Cecil Canillas)

undo