CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

MOBILE PASSPORTING SERVICES muling isasagawa ng IIPESO

passport

MOBILE PASSPORTING SERVICES muling isasagawa ng IIPESO

Ipinababatid sa lahat ng mga Calambeño na muling  magkakaroon ng Mobile Passporting Services (MPS) ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba.  Ito ay sa pamamagitan ni Cong. Joaquin “Jun” Chipeco, Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco,  Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal at ng Sangguniang Panlungsod sa pakikipagka-isa ng Information, Investment Promotions and Employment Services Office (IIPESO) at sa pakikipagtulungan ng  Department of Foreign Affairs, Manila.

Sisimulan ang pagbibigay ng “application form” sa Disyembre 11, 2017 kalakip ang mga dokumentong kailangan tulad ng  authenticated birth certificate,  marriage certificate (if married) at dalawang (2) valid id’s. Ang Personal Appearance ay gaganapin sa ika-10 ng Pebrero ng susunod na taon.  Sa sinumang nais mag-apply ay makipag-ugnayan lamang sa IIPESO  o  sa mga numerong 545-6789 local 8012. (Cecil Canillas)

undo