CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

Pasko sa Calamba 2017, Pormal nang binuksan

paskoPasko sa Calamba 2017, Pormal nang binuksan

 

Pormal nang binuksan sa publiko ang Pasko sa Calamba 2017 na may temang “Mensahe mula sa puso para sa bawat Calambeño: Pag-ibig, Kagalakan, at Kapayapaan ngayong Pasko” noong Biyernes November 3, 2017.

Isang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Reine B. Eriga ang naging panimula ng programang pinangunahan nila Cong. Joaquin “Jun” Chipeco, Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal at ng Sangguniang Panlungsod.

Nakiisa din ang ibat-ibang ahensya at tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, mga barangay official at NGO’s sa programang inihanda ng DepEd Calamba.

Isang natatanging presentasyon mula sa Banlic Elementary School ang natunghayan kasunod ay  bating pagtanggap ni Vice Mayor Ross Rizal. Anya, taun-taon ay inaabangan na ng mga taga Calamba ang programang hatid ni Mayor Timmy Chipeco na nagpapakita ng tunay na diwa ng Pasko sa mga Calambeño maging sa buong mundo na nakasubaybay sa pamamagitan ng social media.

Sa mensahe naman ni Mayor Timmy Chipeco, pinasalamatan nito ang lahat sa patuloy na suporta sa ganitong mga pagkakataon; ang maipapakita ang pagkakaisa, pagmamahalan at kapayapaan. Ito rin umano ang pagkakataon upang magpasalamat sa Maykapal sa isang taong biyaya at pag-iingat sa ating lahat.

Nagbigay din ng mensahe si Cong. Joaquin “Jun” M. Chipeco Jr, kung saan inalala nito noong siya pa ang alkalde ng lungsod ay sinimulan niya ang programa ng kapaskuhan sa Calamba at mula noon nakaugalian na ang nasabing okasyon. Pinasalamatan nito si Mayor Timmy Chipeco sa patuloy na pagbibigay ng saya sa bawat Calambeño tuwing Pasko.

Matapos ang pag-iilaw ng Christmas Tree at makulay na Fireworks display, pormal namang binuksan ang  Calambuhayan Trade Fair, isa sa mga priority programs ni Mayora Laverne “Lav” Chipeco kung saan makakabili ng mga produktong likha ng Calambuhayan Livelihood program at iba pang bilihin sa murang halaga.  (Joel Cabactulan)

undo