CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

SERBISYO CARAVAN SA PANSOL

caravan

SERBISYO CARAVAN SA PANSOL

 

Mayor Chipeco, Pansamantalang Pinahihinto ang Paggawa ng Resort sa Pansol

   Pansol, Calamba City--Bunga ng napag-alamang sanhi ng pagbaha sa Brgy. Pansol, pansamantalang pinahihinto ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga pagawaing resort sa itaas na bahagi ng nasabing barangay. “Dapat munang isaayos ang kanilang paggawa upang hindi maka perwisyo sa mamamayan lalo na sa panahon ng tag-ulan,“ pahayag ni Mayor Chipeco noong 18 Oktubre 2017 sa Serbisyo Caravan sa Pansol.

   Bilang pangangalaga sa mga taga Pansol na naninirahan sa tabing-ilog, inatasan ni Mayor Chipeco ang City Housing Department na suyurin ang mga direktang apektado ng pagbaha. Aniya, kailangang mailipat ang mga kababayan niya sa Pabahay sa Banlic tulad ng 81 pamilyang nasalanta ng Bagyong Maring noong nakaraang buwan sa Brgy. Parian para na rin sa kanilang kaligtasan.

   Sa nasabing Serbisyo Caravan, namigay si Mayor Chipeco ng mga saklay, wheel chairs at nebulizers sa barangay. Nagbigay din ang Engineering Office ng mga poso para sa mga mamayang walang gripo. Namigay din ang Calamba PNP sa pamumuno ni PSupt Sancho Celedio ng mga posas at flashlights upang magamit ng mga barangay tanod sa kanilang pagroronda. Ganundin ay namahagi ang BFP Calamba sa pamumuno ni PSupt Antonio Sobejana IV ng fire extinguisher sa barangay.

   Nagpasalamat naman si Brgy Chairwoman Sally “Dadang” Dela Cruz kay Mayor Chipeco sa patuloy na pagdadala nito ng serbisyo sa bawat barangay lalong higit sa kanilang barangay atsa pagtugon sa mga pangangailangang tulad ng pagkakapon ng mga alagang hayop, job fair, check-up ng blood pressure at ECG, libreng gamot, libreng bunot ng ngipin, feeding at pagtuturo ng tamang nutrisyson, mga libreng masahe, gupit at manicure, serbisyo legal at late registration ng mga bata.  Mula naman sa D.A., nagkaloob ito ng libreng binhi, komiks na nagtuturo ng tamang paraan ng paggugulayan. Ang tanggapan naman ng Cooperatives and Livelihood ay nagbigay ng mga pagsasanay katulad ng Beads and Crochet Making at consultation sa pagbuo ng kooperatiba.

   Ang Serbisyo Caravan ay regular na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa mga barangay upang mas mailapit pa ni Mayor Chipeco ang mga pangunahing serbisyo sa tao. (Joel Cabactulan)

undo