CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

Pabahay para sa mga Calambeño, handog ni Mayor Timmy Chipeco

pabahay

Pabahay para sa mga Calambeño, handog ni Mayor Timmy Chipeco

 

   Ang Tanggapan ng Housing and Settlements sa pamumuno ni Engineer Ronaldo  Dela Cruz ay patuloy na nagsasagawa ng Orientation Seminar para sa mga kababayan natin na walang permanenteng tahanan .  Ayon kay G. Mariolito Manuel, Housing and Homesite Regulation Officer V, ang mga pamilyang ito ay kalimitang naninirahan sa tabing-ilog at mga tabing-riles o yung tinatawag na dangerous zones.  Dumadalo muna sila sa pa-seminar ng tanggapan bago i-endorse sa kanilang mga bahay na matatagpuan sa South Ville 6, proyektong naisagawa sa pamamagitan ng National Housing Authority( NHA) at Calambeño Ville 5, kapwa matatagpuan sa Brgy. Kay-Anlog; at sa Don Jose (NHA) sa Brgy. Banlic. Nito lang buwan ng Oktubre, 15 pamilya ang nabiyayaan ng mga bago at permanenteng bahay. 

   Samantala, noong nanalasa ang bagyong Maring dito sa Calamba,  mahigit sa 80 ang kanilang napagkalooban ng mga bahay sa Don Jose sa Brgy. Banlic.  Ang mga ito ay personal na ipinagkaloob ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco sa isang seremonya noong ika-14 ng Setyembre, 2017 sa 3rd floor lobby ng Pamahalaang Lungsod.  “Kailangang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat mamamayan kaya gagawin ng Pamahalaang Lungsod ang lahat sa abot ng aming makakaya para sa kapakanan ng mga Calambeño”, pahayag ni Mayor Timmy sa nasabing okasyon. (Cecil Canillas)

undo