CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

CityMall sa Calamba, Bukas Na!

citymall

CityMall sa Calamba, Bukas Na!

Bubuksan ngayong hapon, Oktubre 30 ang ikawalong mall sa Lungsod ng Calamba, ang CityMall na nasa highway ng Brgy. Lecheria tapat ng Pamana Medical Center.  "Ang pagbubukas ng CityMall sa Lungsod ng Calamba ay patuloy na patunay sa kaunlarang ating tinatamasa.  Maraming mga Calambeño ang makikinabang hindi lamang sa trabahong maidudulot ng CityMall kundi magiging isa na naman itong magandang venue ng bonding ng pamilya at magkakaibigan," pahayag ni Mayor Justin Marc "Timmy" Chipeco, Punong Lungsod ng Calamba.

   Mula sa Double Dragon Properties Corporation at SM Investments Corporation, tinaguriang "Everyday Mall of the Future" at "Greenergized" ang CityMall dahil sa paggamit nito ng mga solar panels at rain water collection system sa araw-araw nitong operasyon.  Kasabay na bubuksan ang mga tinaguriang flagship stores ng CityMall—Jollibee, Mang Inasal, Chowking, Greenwich, Red Ribbon at Highlands Coffee.  Araw-araw nang magbubukas ang naturang mall upang maging lugar kung saan makapaglilibang at makakapag-bonding ang mga Calambeño. (Noemi Talatala)

undo