CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

DAY CARE WORKERS AT DAY CARE CENTERS ACCREDITATION

daycare

DAY CARE WORKERS  AT DAY CARE CENTERS ACCREDITATION, isinagawa sa Calamba

 

   Ang mga Day Care Workers at mga Day Care Centers  ng  Lungsod ng Calamba sa ilalim ng City Social Services Department  ay kasalukuyang sumasailalim sa isang  pagsusuri  at pagtatasa na isinasagawa ng Regional Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  para sa kanilang akreditasyon. Ayon kay  Gng. Celina Manabat , pinuno ng tanggapan ang mga day care workers ay aktwal na inoobserbahan  sa kanilang pagtuturo  at mamarkahan ayon sa kanilang husay at  kung paano nila ipinapatupad ang mga ibinigay na panuntunan para sa pag aalaga ng mga munting bata.  Kasama ring iniinspeksyon ang mga Day Care Center kung  ang mga ito ba ay nakasunod sa itinakdang pamantayan para sa pangangailangan ng mga mag-aaral.  Kaugnay nito, ang mga pasadong day care workers  at day care centers ay  makakatulong para mapataas  ang  moral  ng mga nagtuturo  at higit na makuha ang tiwala ng publiko.

Ang Day Care Centers at Day Care Workers na pumasa na ay ang mga sumusunod:

1. Burol

2. Barangay II

3. San Jose

4. Palingon

Susunod naman na susuriin ang:

1. Nov. 6  Putinglupa< Siranglupa, makiling, Majada Out

2. Nov. 7  Manfil, Parian, Masili Barangay IV

3. Nov. 8  Carmel, Villa De Calamba, Brgy. 7

4. Nov. 9  Maunong, Camaligan, Saimsim, Lamesa

5. Nov. 10 Palau paikit, Laguerta, Asia 2, Palo Alto

6. Nov. 13 Batino, Barandal, Prinza, Lawa

7. Nov. 14 MCDC- Canlubang, Real I, Little Star, Real 2

8. Nov. 15 Lingga, Sampiruhan, Bañadero, San Juan

9. Nov. 16 Looc, Brgy. 5, Looc Relocation, Lecheria

10. Nov. 20 Turbina, Asia I, Uwisan, Silangan Village

11. Nov. 21 Mapagong, Ceris III, Mayapa, Hornalan

12. Nov. 22 South Ville I, Kay Anlog, South Ville 2, Ulango

13. Nov. 23 GK I, Majada In, GK2 , Little Angel

14. Nov. 24 Vesta, Calamba Hills, Casmisehos, Bubuyan

15. Nov. 27 Mangumit, Ronggot, Parian 2, Pansol

16. Nov. 28 Sucol, Bagong Kalsada, Brgy. 6,  Brgy. V

17. Nov. 29 Paciano Rizal, Banlic, Bunggo, San Cristobal

   Ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ay umaasa na sa pamamagitan ng mga pagsusuring ito ay lalong mapabuti  ang serbisyong inihahatid sa ating mamamayan. (Marivic Balba)

undo