CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

Pagbubukas ng CALAMBuhayan Trade Fair tampok sa Waltermart

kalambuhayan1

Pagbubukas ng CALAMBuhayan Trade Fair Tampok sa Waltermart Makiling Christmas Lighting

Binuksan ang Calambuhayan Trade Fair ng mag-asawang Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco at Mayora Laverne “Lav” Chipeco kasabay ng Christmas Tree lighting sa Waltermart Makiling noong Lunes, 6 Nobyembre. Priority project ni Mayora Lav ang Calambuhayan Livelihood kung saan sinasanay ang mga miyembro sa paggawa ng iba’t-ibang produktong mapagkakakitaan at tinutulungan din na mai ”market” at mabenta ito.

Sa mensahe ni MayorTimmy Chipeco, pinasalamatan nito ang pamunuan ng WalterMart Makiling sa taun-taong pakikiisa sa Lungsod ng Calamba sa pagpapailaw ng Giant Christmas Tree. Binati din nito ang lahat ng estudyante mula sa Lecheria National High School na nagbigay ng pampasiglang bilang.

Kakaiba ang Giant Christmas Tree sa WalterMart dahil ang mall mismo ang nagpatayo nito bilang pagsuporta at pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Pasko ng Calamba.

Dumalo din sa pagbubukas ng Calambuhayan Trade Fair at pagpapailaw ng Giant Christmas Tree sila Vice Mayor Roseller  “Ross” Rizal, mga miyembro Sangguniang Panlungsod , Sangguniang Barangay ng Makiling , DepEd, iba’t-ibang tanggapan at mga NGO ng lungsod.(Joel Cabactulan)

undo