CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

Work Immersion Program sa Calamba, Sisimulan Na!

immersion

Work Immersion Program sa Calamba, Sisimulan Na!

Pinangunahan ni Ms. Noemi E. Talatala, IIPESO Department Head ang pagpupulong ng mga Senior High Schoo (SHS) Implementers  ng Dep-Ed Calamba sa pangunguna ni Ms. Cristeta Arcos – SHS Coordinator at ng mga Administrative Officers ng lahat ng tanggapan ng City Government of Calamba noong Nobyembre 7, 2017 hinggil sa pagpapatupad ng Work Immersion  Program (WIP). 

Sa pamamagitan ng SP Resolution No. 244 S. 2017 na naipasa sa pamamagitan ni Vice-Mayor Roseller H. Rizal  na siya ring Chairman ng SP Committee on Education ay napagtibay ang WORK IMMERSION PARTNERSHIP ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Justin Marc SB Chipeco at ng Dep-Ed Calamba  sa pamamagitan ni Dr. Rosemarie D. Torres, Schools Division Superintendent .

Ang WORK IMMERSION PROGRAM   ay bahagi ng SHS Curriculum  na ipinatutupad ng Kagawaran ng  Edukasyon na may layunin na mahubog sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga, tamang ugali , kalinangan at  kasanayan na makakatulong sa desisyon na linangin ang propesyon o ang kahandaan sa paghahanapbuhay pagkatapos ng pag-aaral.

Ang unang pangkat  ng mga mag-aaral ay nakatakdang magsimula sa Nobyembre 14, 2014 na kung saan ang ilang  mag-aaral na magmumula sa mga pampublikong paaralan katulad ng Bubuyan Integrated High School, Camp Vicente Lim IHS, Calamba Bayside IHS, Calamba IHS, Makiling IHS at Palo-Alto IHS ay nakatakdang italaga sa iba-t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod.  Sila ay ilan sa mga mag-aaral sa ilalim ng  General Academic Strand, Information Communication and Technology ,  Accountancy, Business and Management, at Electrical Installation and Maintenance. Sa panimulang ito, ang Work Immersion Program, kaagapay ang Calamba Employment and Human Resource Development Council, Dep-Ed Calamba at ng mga pribadong establisyemento, ay naipatutupad na sa Lungsod ng Calamba. (Dessy Encinas)

undo