CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

batangpinoy 4 NA MEDALYA INIUWI NG CALAMBA DELEGATION SA BATANG PINOY

batangpinoy

4 na Medalya Iniuwi ng Calamba Delegation sa BATANG PINOY

Dalawampu't apat (24) na medalya mula sa iba't ibang category at sports discipline ang iniuwi ng mga batang bumuo sa delegasyon ng Calamba City sa Luzon Qualifying Leg ng Batang Pinoy 2017 na ginanap noong 22 hanggang 28 Oktubre sa Vigan, Ilocos Sur.  Pinapurihan ni Mayor Justin Marc "Timmy" Chipeco ang mga nagwagi nang sila ay mag-courtesy call sa ating Punong Lungsod.  Sinabi ng mayor na ipinagmamalaki niya, sampu ng buong lungsod ang mga batang nagpakita ng natatanging galing sa kani-kanilang mga sport at sinabi na tunay nilang naipakita ang kahusayan ng mga taga-Calamba. 

Animnapu't pitong (67) mga bata edad 17 pababa ang bumuo sa delegasyong mula sa iba't-ibang paaralan sa Calamba na nakipagtagisan ng galing sa mga larangan ng volleyball, athletics, chess, swimming at archery.  Isang (1) gold, dalawang (2) silver at 21 bronze medals ang naging hakot ng mga batang atletang CalambeƱo na masaya nilang ipinakita kay Mayor Timmy Chipeco. 

Sa muling paglaban ng mga nagkamit ng medalya sa Batang Pinoy National Championship sa darating na Pebrero 2018, ipinangako ni Mayor Timmy ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba. (Noemi Talatala)

undo