CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

SGLG CALAMBA, Itinanghal Bilang 2017 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARDEE

SGLG

CALAMBA, Itinanghal Bilang 2017 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARDEE

Itinanghal bilang 2017 Recipient ng DILG Seal of Good Local Governance (SGLG) sa City Category ang Lungsod ng Calamba, ito ang masayang ibinalita ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco sa kanyang mensahe sa pag-iilaw ng Christmas Tree sa Baywalk, PALISAM (Palingon-Lingga-Sampiruhan).  “Ang SGLG po ay isang prestihiyosong award na ibinibigay ng DILG sa mga local government units na nakapasa sa mga masusing requirements sa iba’t-ibang sector.  Ibig lamang pong sabihin, sa pagtanggap natin ng award na ito, nasa tama po at magaganda ang lahat ng programa at pamamalakad na ginagawa natin sa atin pong lungsod,” ipinagmalaki ng butihing mayor. 

Tinaguriang “Mother of all Local Government Awards” ang Seal of Good Local Governance na ipagkakaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Calamba ngayong 24 Nobyembre ay bunga ng dalawang (2) mahaba at masusing validation, interview at aktuwal na pagbisita sa Calamba na ginaganap nitong Mayo (regional validation) at Agosto (national validation). 

Tinasa ang lungsod sa apat (4) na core areas at tatlong (3) essential areas.  Sakop ng core areas ang mga sumusunod:

1.   Financial Administration kung saan tinitingnan ang pinansyal na kalalagayan ng lungsod;

2.   Disaster Preparedness na tumitingin sa kahandaan ng Calamba sa pagresponde sa sakuna at kalamidad;

3.   Social Protection na nakasentro sa serbisyong pangkalusugan, pabahay, at pang-edukasyon;

4.   Peace and Order na tumatalakay naman sa serbisyong pangseguridad at mga programang laban sa droga.

Sakop naman ng 3 essential areas ang pagiging Business-Friendly at Competitive ng lungsod, pangangalaga sa kalikasan o Environmental Management at Tourism, Culture and Arts. 

“Job well done” ang papuri ni Mayor Timmy Chipeco sa Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal, sa mga department heads sa pamumuno naman ni City Administrator Allan D. Zacarias at sa lahat ng bumubuo ng city government dahil aniya hindi makakamit ng lungsod ang pagkilalang ito kung hindi sa pagtutulungan at tapat na serbisyo publikong ipinagkakaloob ng lahat ng empleyado ng lungsod. (Noemi Talatala)

undo