Matagumpay na isinagawa ang Kite Making Seminar and Workshop noong Linggo, Hunyo 18, 2023, sa Calamba City Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Calambagong Buhayani Festival 2023. Ito ay dinaluhan ng higit 60 na mga mag-aaral mula iba't ibang paaralan mula sa lungsod ng Calamba.
Binigyang diin ni Mayor Ross Rizal sa kanyang State of the City Address (SOCA) ang mga nagawang pagpapabuti ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa iba’t ibang sektor tulad ng agrikultura, social services, kalusugan, edukasyon, peace and order, turismo, hanap buhay, at iba pa. Patunay rito ang mga proyektong nagbigay ng tulong sa mga mamaya ng Calamba tulad ng Kabuhayan ni Rizal, Iskolar ni Rizal, at Agri-Iskolar ni Rizal. Kinilala rin niya ang mga parangal na ntanggap ng lungsod mula sa mga sangay ng gobyerno at pribadong sektor.
Kanya ring tinalakay ang mga pangkasalukuyang mga isyu at pangangailangan ng lungsod, tulad ng pagbuo ng Task Force laban sa African Swine Flu (ASF), paglilinis ng mga ilog, at pagbibigay ng fuel subsidy sa mga tsuper na apektado ng oil price hike. Aniya, marami nang positibong pagbabago ang na ihatid ng pamahalaan, pero marami pang kailangan abangan ang mga Calambeño tulad ng Residenza Rizal housing project, Historical District Design construction, at iba pang pagsasaayos ng imprastraktura.
Nagbigay naman ng mensahe sina Lone District of Calamba Representative Charisse Anne Hernandez-Alcantara at Calamba City Vice Mayor Angelito “Totie” S. Lazaro Jr. Dumalo rin sa programa, mula sa Pamahalaang Panlalawigan, sina Laguna Board Members JM Carait at Christian “Niño” Lajara, at mga kinatawan nina Governor Ramil Hernandez and 2nd District of Laguna Representative Ruth Mariano-Hernandez. Naroon din ang buong Sangguniang Panlungsod ng Calamba, mga kinatwan ng iba’t ibang national government agencies at sectoral groups, at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba.