CALAMBA CITY, 2024 SILVER AWARDEE SA MANILA BAY DAY AWARDING CEREMONY
Personal na tinanggap ni Mayor Roseller "Ross" H. Rizal ang Silver Award sa ginanap na 2024 Manila Bay Day Awarding Ceremony ng Manila Bay Clean Up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) noong Lunes, Disyembre 2, 2024.
Kinilala rin ang ating lungsod bilang ikalawa sa may pinakamataas na compliance rate sa buong Probinsiya ng Laguna. Ang parangal ay nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources, na pinangungunahan ni Mr. Joseph Arlan Llorente, at kasama ang mga committee members na binubuo ng Department of Interior and Local Government, City Health Office, at Information, Investment Promotions, and Employment Services Office.
Ang Manila Bay Clean Up, Rehabilitation, and Preservation Program ay isang pambansang proyekto na layuning mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng Manila Bay at mga kalapit na lugar nito.Patunay ang pagkilalang ito sa ramdam na repormang hatid Pamahalang Lungsod para sa mga inisyatibang ingatan ang ating kapaligiran.