PABAHAY PARA SA MGA CALAMBEÑO
Ngayong araw na ito ay pormal na pong naturnover ang 78 Housing Units sa Bldg 6 ng Rizalville dito sa Brgy.Banlic, Calamba City, Laguna. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 6 na Buildings ang tapos ng gawin, at ongoing construction po sa iba pang 22 Buldings. Sa kabuuan ay mayroong 28 Buildings na itatayo para sa mahigit kumulang na 2130 na kabahayan para sa mga qualified na naninirahan sa riles.
Ang pabahay na ito ay para sa ating mga displaced na kababayan na siyang kwalipikadong mga benepisyaryo na may mga trabaho at karampatang income. Ito ay naikasatuparan sa pagtutulungan ng City Government of Calamba at pakikipagugnayan sa Department of Human Settlement and Urban Development, Department of Transportation and Railways at ng Social Housing Finance Corporation.
Nawa ang mga bagong bahay na ituturn-over sa housing project na ito ay maging simbulo ng BAGONG SIMULA, BAGONG BUHAY, BAGONG TAHAHAN, dito sa BAGONG CALAMBA!