IKA-80 TAON NG DOCE DE PEBRERO
Ngayong araw na ito, kasama ang buong Pamahalaang Lungsod ng Calamba, ay nagtungo tayo sa Brgy.Real para sa ika-80 Anibersaryo ng Doce de Pebrero.
Sa pagaalay ng bulaklak ay ating inalala ang pagbubuwis ng buhay ng 2000 mga kalalakihang Calambeño sa kamay ng mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig upang mailigtas ang kanilang mga pamilya.
Bagamat mapait ang sinapit ng ating mga kababayan ay ating ginugunita ang kanilang kabayanihan para sa ating inang bayan. Kailanman ay mananatili sa ating mga puso't isipan ang kanilang sakripisyo bilang mga Calambeño.