Loading.....

CALAMBAGONG BUHAYANI FESTIVAL 2023: FASHION DESIGNERS NIGHT | JUNE 18, 2023

image

Ipinamalas ng 13 fashion designers mula sa Lungsod ng Calamba ang kanilang mga likhang Modern Filipiniana sa ginanap na kauna-unahang Fashion Designers Night noong Linggo, June 18, 2023 sa Jose Rizal Memorial School. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Calambagong Buhayani Festival 2023.

Calamba Fashion
Calamba Fashion

Si Ms. Racquel Claudio, Executive Assistant II mula sa Mayor’s Office, ang naghatid ng mensahe ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, samantala, si Cultural Affairs, Tourism, and Sports Development Department Officer-in-Charge Karla M. Boholano ang nagpakilala sa mga kasaling designers. Kanya rin binigyang diin ang kahalagahaan ng paglinang sa talento ng mga fashion designers mula sa Calamba at ang pagtangkilik sa mga damit na gawa ng ating mga kababayan. Dumalo rin sa programa si Mayora Susan B. Rizal.

Nagwagi ang kasuotang likha ni Adrian L. Ebrada mula sa Barangay III bilang Grand Winner candidate no. 13 sa Fashion Designer's Night. Sumunod naman bilang 2nd Place si Genesis Alcantara mula sa Barangay Pansol at sinundan ni Denison Z. Fernandez bilang 3rd Place mula sa Paciano Rizal.

Calamba Fashion

Ito ay proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, sa pangunguna ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, upang higit na maipagmalaki at masuportahan ang mga likha ng mga Calambeño fashion designers.