DELEGASYON MULA SA CITY OF ISABELA, BUMISITA SA LUNGSOD NG CALAMBA
Nagsagawa ng benchmarking activity sa Lungsod ng Calamba ang 24 na kawani ng City of Isabela Information Office, sa pangunguna ng kanilang Information Officer na si Mendry-Ann A. Lim, mula sa probinsiya ng Basilan, noong Martes, Hulyo 22, 2025. Kanilang pinag-aralan ang daily operations ng Information Division sa ilalim ng Information, Investment Promotions and Employment Services Office (IIPESO), at ang pag-lunsad ng Barangay Information Management System (BIMS) na programa naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa mensahe ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, na inihatid ni City Administrator Johnny R. Pamuspusan, kanyang ibinigay ang kanyang suporta sa Local Government Unit (LGU) ng Isabela sa kanilang layunin na ma-adapt at ma-replicate sa hinaharap ang mga best practices ng IIPESO-Calamba. Nagpapasalamat rin siya sa tiwalang ibinigay ng Isabela City sa kalidad ng serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba.