CALAMBA CITY, PAMASKONG HANDOG 2024 - BARAGGAY CANLUBANG
Pinangunahan ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, kasama sina Vice Mayor Angelito “Totie” S. Lazaro, Jr., at Lone District of Calamba Representative Charisse Anne Hernandez-Alcantara, ang unang araw ng pamimigay ng Pamaskong Handog packages para sa mga Calambeño. Ang kick-off ng distribution ay ginanap noong Linggo, Disyembre 1, 2024 sa Brgy. Canlubang covered court.